
Kahapon sa mini-presscon ng environmental docu-series ni Richard na Anatomy of a Disaster, nandu’n si Solenn na kausap si Raymond Gutierrez.
Nandun daw siya dahil may meeting sila ni Raymond pero ang ending, naging presscon na nina Richard at Solenn.
Hindi nila itinatanggi na lalo silang naging close pero bilang magkaibigan lang daw dahil madalas silang magkasamang lumabas.
Pumupunta si Solenn sa bahay nina Richard at ganundin ang huli dahil magkabarkada sila.
Hindi raw sila apektado sa mga ganu’ng intriga dahil talagang magkaibigan lang daw sila.
“Even before pa kami umalis for Survivor, lagi kaming magkasama ni Solenn. Medyo nama-magnify lang ngayon dahil sa Survivor,” paliwanag ni Richard.
“For now I really want to stay single and concentrate on my work and I’ll set my lovelife aside for now.”
“Tingnan natin,” sagot lang ni Richard sa tanong namin kung posibleng ma-develop ang magandang friendship nila.
Si Solenn ay natatawa na lang sa mga ganung
intriga pero deretso raw siyang sumagot at hindi raw siya marunong makipag-eklayan.
Deretso ang sagot niyang magkaibigan lang sila ni Richard at walang espesyal na relasyong namumuo sa kanila.
“Oo. We’re getting closer,” sagot ni Solenn tungkol sa friendship nila ni Richard.
Hindi raw naapektuhan ang pagkakaibigan nila dahil sa mga intrigang iyun, basta tuloy lang daw sila sa paglalabas.
Inamin din ni Richard na hindi ganu’n kadali sa kanya ang pag-move on sa break-up nila ni Jewel Mische.
“Jewel and I are still in touch. We’re still friends. We don’t have any bad blood to each other, and I think what’s important is what you leave behind, ‘di ba?” seryosong pahayag ng aktor/TV host.
Natutuwa siya sa pagkuwento sa amin na lahat ng ex-girlfriends niya ay naging kaibigan niya kaya naniniwala siyang mananatiling friends pa rin sila ni Jewel.
Samantala, seryoso si Richard sa kanyang advocacy sa environment kaya ngayong wala pa siyang araw-araw na taping, pinagkaabalahan niya ang ilang activities na may kinalaman sa pangangalaga sa ating kalikasan.
Nasa Cebu siya nu’ng nakaraang linggo para sumali sa ilang projects ng NGOs na may kinalaman sa environment.
Sa Linggo mapapanood ang part 2 ng Anatomy of a Disaster sa Sunday Night’s Box Office.
Abante-Tonite
No comments:
Post a Comment