Tuesday, September 21, 2010

[Article] Georgina, itinanggi na pinagbawalan si Solenn na ma-in love kay Richard

Lalong umiingay ang isyung pagkaka-link ni Richard kay Solenn
Heusaff.
Madalas silang nakikitang magkasama pero hindi silang dalawa lang kundi ang iba pa nilang kaibigan.
Kasama pa minsan si Georgina Wilson na kaibigan ni Solenn at ex-girlfriend ni Richard.
Nakuhanan namin ng reaksyon si Georgina tungkol sa lumabas na isyung pinagbawalan daw niya si Solenn na ma-develop kay Richard dahil may usapan daw silang walang galawan ng ex-boyfriend.
Mariing itinanggi ito ni Georgina dahil lumalabas lang daw silang magkaibigan at wala raw siyang nakikitang merong na-develop na more than friendship kina Richard at Solenn.
Sinubukang kapana yamin ng Tweetbiz si Georgina pero tumanggi ang dalaga. Nagpadala na lang siya ng text message kay Tim Yap, “We all hang out as a group and there’s really no ma lice placed.
“I’m friends with Chard so is Solenn and so is Borgy. I’ve never told Solenn anything because it’s unnecessary.
“People outside the group and in showbiz are trying to give more meaning to it all when there’s really nothing.”
Ganu’n din sagot noon pa nina Richard at Solenn na hanggang magkaibigan lang kaya sana’y huwag na raw lagyan pa ng ibang kulay.

No comments:

Post a Comment